Linggo, Enero 15, 2012

Taekwondo at it's Laughter!



Ang Taekwondo ay isa sa pinaka-sikat na sports sa larangan ng palakasan. Tae na ang ibig sabihin ay "to strike or break with foot", Kwon na ang ibig sabihin ay "to strike or break with fist" at Do na ang ibig sabihin ay "way" o "method". Taekwondo - "the way of the hand and the foot". Ito rin ang tinatawag na national sport ng South Korea. Ang Taekwondo rin ang tinanghal bilang isa sa pinakasikat na martial arts sa buong mundo kung bibilangin ang dami ng marunong at nag-aaral ng larangan na ito.


Bilang isang mag-aaral ng taekwondo, dapat ay mayroon kang mataas na level ng disiplina. Dapat ay malawak ang iyong kaisipan sa pakikipag-laban at dapat ay alamin mo ang responsibilidad mo bilang isang mag-aaral ng taekwondo.


Seryosong motibasyon at pagsasanay ang kailangan mong ilaan upang mapabuti at mapalakas mo ang iyong sarili. Talas ng isip, bilis ng sipa, lakas ng suntok at liksi ng katawan ang kinakailangan upang manalo sa isang laban.


Sa kabilang dako, Heto naman ang aking masasabi! :)


Kung sa pananaw ng lahat ng tao na ang taekwondo ay isang sports na laan lamang sa mga disiplinado at seryosong tao. Puwes hinde! Sa paningin, isip at galaw ng mga batang ito. Ang taekwondo ay isa lamang laro at paraan upang maipakita nila ang kanilang kasiyahan sa pag-aaral ng taekwondo!


Mapapanood mo ang isang video kung saan, mapapangiti ka na lamang at matatawa kung paano ka bibigyang kasiyahan ng mga batang ito at maunawaan at huwag katakutang matutunan ang taekwondo! Ipapakita nila kung gaano kasaya ang gawin ito at kung gaano sila kagaling!


WARNING: Humawak ng mahigpit sa iyong upuan! Baka malaglag ka sa kakatawa. :)
Huwag ilayo ang tingin.. ang masasaksihan mo ay mga kakaiba at malalakas na sipa na kung saan ay tatamaan ka sa kakatawa. Don't try this at home! :)


The Most Intense Taekwondo EVER! :)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento