Ang paglaro nito ay simple lamang. Sa una ay mayroon kategorya na babanggitin kung saan babatay ang inyong isip ng iyong kapartner sa paghuhula. Mayroong time limit, at sa maikling oras na ito ay dapat masabi o mabanggit mo ang hinihinging salita. Maaari ka lamang magbigay ng clue sa pagsabi ng OO, HINDO at PWEDE. Kapag nahulaan mo, pasok ka na sa jackpot round! Simple lang diba? Pero sa kabilang dako, hindi lamang laro ng pabilisan mag-isip at paliksihan ng imahinasyon ang labanan dito. Hindi lamang seryosong interaksyon ang napapanood natin dito. Naging isa na rin ito sa libangan ng libu-libong mga Pilipino kung saan nakikita nila ang kasiyahan at katuwaan na nagaganap sa mga manlalaro habang nasa harap ng mga manonood.
Paano kung ang katagu-tagong sikreto mo bilang manlalaro ay mabubunyag sa harap ng camera? At itong sikretong ito ay talaga naman nakakatawa! HAHAHAHA! Panoorin mo na lamang ito, at huwag pigilang tumawa. Siguradong mabubuo ang araw mo at matutong mag ingat sa mga kilos at PANANALITA mo! :)
Pinoy Henyo : Nalaglag ni Kuya ang Pustiso :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento